Friday, December 13, 2013

Happy 12th, "ABNKKBSNPLAko?!" :D

ABNKKBSNPLAKo?! 12th Anniversary Edition paperback
mga kuwentong chalk ni Bob Ong
ISBN:  971-05452-8-5
Creative non-fiction, Filipino
Suggested Retail Price:  P175.00
Matapos ang labindalawang taon ng “basic education”, nagbabalik ang kauna-unahang libro ni Bob Ong at instant Pinoy classic na nagpaalala sa mga Pilipino ng kakayahan nilang matuto. Magbalik-tanaw sa buhay-estudyante, sariwain ang mundo sa loob ng eskwelahan, at muling kilalanin ang sarili ayon sa mga natutunan sa buhay ngayong malaki ka na, nakakaunawa ka na, at…aba, nakakabasa ka na!

Monday, December 9, 2013

New title: Tatlong Gabi Tatlong Araw

TATLONG GABI TATLONG ARAW
By:  Eros Atalia
Filipiniana novel, Fiction
ISBN:  971-05452-9-9
174 pages, paperback
Suggested Retail Price:  P225.00


BLURB:

Mula tabloid hanggang TV network, naibibigay ni Raymundo Mojica ang hinihingi sa kaniya ng industriya. Nagsimulang horoscope writer sa isang tabloid na may pinakamalaking sirkulasyon hanggang makilala sa paggawa ng documentary.

Bumalik siya sa kapistahan ng Brgy. Magapok, dahil na rin sa kahilingan ng namatay niyang ina. Napuno ng kababalaghanat karahasan ang isa sanang simpleng kasiyahan ng tatlong araw na pista ng patron na si Sta. Barbara de Bendita

Sa dinami-dami ng kanyang teorya, naging mailap ang katotohanan sa isang tulad niyang mamamahayag na tagapaghatid o tagalikha ng katotohanan.

*This novel is the 2013 Grand Prize for the Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.



UPDATE: Now available in Pandayan Bookshop and National Bookstore branches.